4 Simple and Easy Tips Saving Money In Your Daily Routine
1. Ride on your feet
Araw-araw madami tayong pinupuntahan tulad ng trabaho, palengke, kainan, mall, tindahan at iba pa. Kung alam mo naman na ilang metro lang ang layo ng pupuntahan mo lakarin mo na. Mainit at nakakapagod maglakad kadalasang dahilan. May nakitang barya sa bulsa o wallet at may dumaan na pedicab o ano pag sasakyan sakay agad, ugaliing iwasan mo yon .Makakabuti kong maglalakad na lang lalong-lalo na sa umaga dahil nagagawa nitong palakasin ang iyong buto at muscle, pinapanatili ang malusog na bigat ng katawan,mapabuti ang mood at memorya, pagkaantala ng pagtanda, mapabuti ang blood circulation, nadadagdagan ang kapasidad ng baga,nababawasan ang stress, iniiwasan ang mga kondisyon tulad ng heart disease, diabetes, high blood at Dementia-unti-unti pagkawala ng memorya at function nito, at napakadami pa. Kung may 30 minutes kang lakad araw-araw tiyak ang malusog na pangangatawan . Simpleng bagay pero malaki at mabuti ang binibigay sa katawan ng tao.
2. Daily activity habit
Kung ikaw yong tipo na ang libangan ay text ng text o tawag ng tawag sa cellphone. Yong tawagin kana ng mga kapatid o kaibigan mo na "babad o cellphone girl ng taon",gawin mong libangan ang mga panlabas na aktibidad. Punta ka sa plaza sumali sa mga laro tulad ng basketball, volleyball, batminton at madaming pang laro na tiyak ikakatuwa mo at makakatulong sa kalusugan. Kung walang panlabas na aktibadad na malapit sa inyo ugaliing magbasa o magsulat ng mga magagandang pangyayari na ginagawa mo ,nakita o nalaman araw-araw. Yayain ang mga kaibigan o pamilya magbiking, climbing, hiking at fishing na sigurado makakapagbigay sayo ng payapang kaisipan dahilan ng sariwang kapaligiran para maiwasan ang pagkayamot sa bahay at ang maganda pa nito malaya at maayos mong magagawa ang mga susunod na gawain o mga bagay-bagay .Mag-alaga ng hayop o halaman sa bahay para malibang ang iyong sarili sa pag-aasikaso at pag-aalaga sa kanila. Mag-aral ng mga instrumento na kahihiligan tulad ng gitara,piano at iba pa. Ang ginagamit mong pera araw-araw sa pagpapaload para makatext o makatawag para sa walang kwentang usapan ay masasayang lang hindi lang pera kundi pati ang oras mo. May mga pagkakataon na kailan natin tumawag o magtext sa kaibigan, trabaho at pamilya pero ugaliing limitahan ang mga ito sa gayon malaki ang maitatabi mong oras at pera.
3.Pin your shopping list
Dalawang araw bago ang pamimili isulat mo sa papel o notebook ang lahat ng bibilhin pagkatapos balikan mo isa-isa ang mga ito at isipin mong mabuti kong ito ba ay importante o kailan na. Kung hindi pa naman o pwedeng ipagpaliban e.cross out o tanggalin mo sa listahan. Bawat isa sa mga isinulat mo yon ang gawin . Isang araw bago ang pamimili, basahin mo uli dahil baka may nakalimutan kang isulat o tanggalin at ang pinaka-importante sa araw ng pamimili, tandaan yon lang ang bibilhin mo walang labis at walang kulang.
4. Pay yourself 10% of your income
Mahalaga ang pag-iipon sa buhay natin. Sa sahod o kita mo, ugaliing maglaan ka ng 10% savings. Pagkakuha ng sahod o kita mo agad kang magsave ng 10% nito sa banko at yong maititra yon ang hatain mo sa pamilya, bahay o sarili. Sobrang laki ng tulong nito.Hindi mo namamalayan sobrang laki na ng ipon mo pagdating ng isang taon. May magagamit ka kong may emergency. Kung may gusto kang bilhin, sa pag-aaral ng mga anak o kapatid, bahay, sasakyan o i-iinvest sa negosyo na tiyak makakadoble o higit pa ng pera mo.
Extra income online na aabot 1k-11k ang kita araw-araw, click>>
Secret Technique